Maliliit na negosyo sa lungsod Quezon, tinutulungang mapalago ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinututukan na ng Quezon City government ang mga maliliit na negosyo para tulungang mapalago ang kanilang produkto at mapataas ang kanilang kita.

Ibinahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang programa ng lungsod na magpapalawak sa kaalaman at impormasyon ng mga micro at small enterprises

Kasunod na rin ito nang isinagawang kauna-unahang International Conference on Entrepreneurship and SME Development 2023 sa lungsod.

Kabilang sa inilatag ng alkalde ang Pangkabuhayang QC, Proudly Original Product of Quezon City o ang POP QC, at ang Be Your Own Boss.

Ang ICESMED 2023 ay dinaluhan ng mahigit 150 mag-aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at Asya upang ipakita ang kanilang galing sa pag-aaral tungo sa pagpapaunlad sa industriya ng entrepreneurship at small-to-medium enterprise.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us