Ika-160 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio, ginunita rin sa San Juan City ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni San Juan City Mayor at Metro Manila Council President Francis Zamora ang pagdiriwang ng ika-160 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio ngayong araw.

Isinagawa ang pagbibigay pugay kay Bonifacio sa makasaysayang Pinaglabanan Shrine kung saan nangyari ang unang sigwada ng himagsikan ng mga Pilipino laban sa Espanya noong 1896.

Sinimulan ito ng isang flag-raising ceremony at sinundan ng pag-aalay ng bulaklak at isang maikling programa.

Ang tema ng Bonifacio Day para sa taong ito ay “Katungkulan at Pananagutan Tungo sa Kaunlaran ng Bayan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us