Deputy Speaker Recto, may paglilinaw sa mga ulat na siya ang bagong Finance chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsalita na si House Deputy Speaker Ralph Recto ukol sa mga balitang siya ang susunod na kalihim ng Department of Finance o DOF.

Aniya wala siyang ideya kung saan nanggaling ito. Hindi rin naman aniya sya makakapag-komento dahil ang usapin ng appointment ay desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa ngayon aniya ay nakatutok siya sa 2024 General Appropriations Bill na nakasalang sa bicameral conference committee.

Nilinaw din nito ang kaniyang naging papel sa pagsama sa delegasyon ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa nakalipas na APEC Leader’s Summit sa Amerika.

Aniya kabilang siya sa mga mambabatas na kumatawan sa Kamara sa delegasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us