Pagbasura ng DILG sa apela ni Lt. Col. Abong, ikinalugod ni QC Mayor Belmonte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang inilabas na desisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbasura sa apela ng pulis na si Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong na ipawalang-bisa ang ‘dismissal order’ laban sa kanya kaugnay sa hit-and-run at drunk driving incident.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na suportado ng pamahalaang lungsod ang desisyong ito ng DILG.

Nagpasalamat din si Mayor Joy kay DILG Secretary Benhur Abalos sa paninindigan nito sa nauna nang desisyon ng QC Peoples Law Enforcement Board (PLEB).

Para sa alkalde, sumasalamin ito sa pagbibigay galang National Government sa check and balance mechanism ng pamahalaang lungsod laban sa mga mapang-abusong pulis.

Samantala, malugod din aniyang tinatanggap ng QC LGU ang resolusyon ng Prosecutor’s Office na nagsasabing may sapat na ebidensya para litisin si Abong sa mga kasong kriminal na isinampa sa kanya kaugnay sa panunugod sa isang bar at pagpapaputok ng baril noong November 26.

“No one is above the law. Hindi natin kukunsintihin kailanman ang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan, lalo na ng.mga naatasang magpatupad ng batas.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us