Mga pensiyonado ng GSIS, makatatanggap na ng kanilang cash gift simula Disyembre 6

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magandang balita para sa mga pensioner ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ito ay dahil inanunsiyo ngayon ng GSIS na matatanggap na ng kanilang mga pensiyonado ang kanilang Christmas Cash Gift para sa taong ito.

Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, asahan nang mailalagay sa mga e-card ang naturang cash gift sa Disyembre 6, araw ng Miyerkules.

Katumbas aniya ito ng isang buwang pension o hindi bababa sa P10,000.

Kasunod nito, iniulat din ng GSIS na naglaan sila ng P3.47 bilyong para sa cash gift para sa mahigit 300,000 nilang old age at disability pensioners. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us