Nagkulay-pula ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) Bridge sa Cebu sa pag-obserba kahapon ng World Aids Day.
Ito ay sa pangunguna ng Department of Health Central Visayas Center for Health Development katuwang ang Cebu-Cordova Link Expressway Corporation (CCLEC).
Inilawan ito alas 7 ng gabi bilang bahagi ng programa ng ahensiya kasama din ang kanilang mga iba’t ibang partners at stakeholders.
Naging highlight din ang malaking papel ng pagtutulongan ng komunidad sa paglaban sa HIV.
May iisang panawagan ang mga dumalo kagabi, ito ay ang magkaroon ng isang HIV-free world sa taong 2030. | ulat ni Carmel Matus| RP1 Cebu