DFA, kinumpirma ang pagbitay sa 2 Pilipino sa China dahil sa drug trafficking

Malungkot na kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbitay sa 2 Pilipino sa China noong Nobyembre 24 dahil sa drug trafficking. Ito ang inihayag ng kagawaran alinsunod na rin sa naging ulat sa kanila ng Punong Konsulado ng Pilipinas sa Guangzhou. Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na nagpaabot na sila ng pakikiramay… Continue reading DFA, kinumpirma ang pagbitay sa 2 Pilipino sa China dahil sa drug trafficking

Visayas Command, patuloy ang pagsugpo sa mga teroristang komunista sa Visayas

Magpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng militar laban sa mga teroristang komunista sa iba’t ibang rehiyon sa Visayas. Ito ang naging pahayag ni Lt. Gen. Benedict Arevalo, ang commander ng Visayas Command kahit pa man sa iniulat na exploratory talks. Bukod dito, dagdag ni Arevalo na magpapatuloy din ang kanilang localized peace engagement sa mga komunidad.… Continue reading Visayas Command, patuloy ang pagsugpo sa mga teroristang komunista sa Visayas

LTFRB, patuloy na susuportahan ang mga kooperatiba sa sektor ng transportasyon

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patuloy nitong susuportahan ang mga kooperatiba na nabuo sa sektor ng transportasyon. Ito’y bilang pakikiisa sa pagpapatupad ng pamahalaan sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ginawa ng LTFRB ang pahayag kasunod ng isinagawang National Transport Congress nitong Nobyembre na dinaluhan ng higit 300 transport… Continue reading LTFRB, patuloy na susuportahan ang mga kooperatiba sa sektor ng transportasyon

Taguig LGU, patuloy sa pamamahagi ng ‘Pamaskong Handog’ para sa mga residente ng lungsod

Tuloy-tuloy sa pamamahagi ang Taguig LGU ng noche buena packages para sa mga residente nito ngayong magpapasko bilang bahagi ng “Pamaskong Handog” program ng lungsod. Bawat “Pamaskong Handog” ay naglalaman ng grocery items na may canned goods, keso, pancake mix, fruit cocktail, chocolate biscuits, pasta, spaghetti sauce, at 10 kilos ng bigas. Sa ika-pitong araw… Continue reading Taguig LGU, patuloy sa pamamahagi ng ‘Pamaskong Handog’ para sa mga residente ng lungsod

DSWD, patuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng shear line

Tuloy-tuloy ang paghatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng shearline. Ngayong araw, may pitong truck na puno ng 5,900 family food packs ang ipinadala ng DSWD Field Office CALABARZON sa Quezon Province para ipamahagi sa mga residente lalo na sa coastal areas. Sa kabuuan, umabot na… Continue reading DSWD, patuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng shear line

Pangulong Marcos Jr., nanawagan ng suporta sa world leaders para sa Loss and Damage Fund sa COP 28

Ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng world leaders ang agarang pagiging operational ng Loss and Damage Fund, na layong suportahan ang developing at vulnerable countries mula sa impact ng Climate Change. Sa naging talumpati ng pangulo sa COP 28 Summit na binasa ni Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.,… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nanawagan ng suporta sa world leaders para sa Loss and Damage Fund sa COP 28

Galing at sipag ng mga kawani ng Office of the President, kinilala ni Pangulong Marcos sa selebrasyon ng OP Family Week

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang galing, dedikasyon, at sipag ng mga kawani ng Office of the President (OP), kasabay ng selebrasyon ng 2023 OP Family Week. Sa naging talumpati ng pangulo sa kaganapan, sinabi nito na maraming responsibilidad ang nakaatang sa mga kawani ng OP, kaya’t kung minsan, hindi na nakakasama ng… Continue reading Galing at sipag ng mga kawani ng Office of the President, kinilala ni Pangulong Marcos sa selebrasyon ng OP Family Week

Upgraded Coast Guard Station sa Pagasa Island, pinasinayaan ng PCG

Ipinakilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang bagog Coast Guard Station sa Pag-asa Island matapos itong masira noong 2021 dahil sa Bagyong Odette. Makikita sa bagong tatlong palapag na gusaling ito ang mga advance na teknolohiyang magpapabuti sa pagsubaybay ng PCG sa kilos ng mga dayuhang pwersa sa karagatan, pati na rin ang mga… Continue reading Upgraded Coast Guard Station sa Pagasa Island, pinasinayaan ng PCG

Mga law enforcement agency, dapat tutukan ang paghuli sa bigtime drug manufacturer – Sandiganbayan Associate Justice

Nagmungkahi si Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda sa law enforcement agencies na tutukan ang paghuli sa mga bigtime drug manufacturer sa bansa. Sa Media Forum, sinabi ni Justice Miranda na makakaambag raw ito sa paresolba sa jail congestion sa mga pasilidad ng Bureau of Jail and Penology. Inihayag ito ng Associate Justice ilang araw bago… Continue reading Mga law enforcement agency, dapat tutukan ang paghuli sa bigtime drug manufacturer – Sandiganbayan Associate Justice

Higit P800K halaga ng marijuana, nakumpiska ng BoC

Kumpiskado ng mga awtoridad mula sa Bureau of Customs (BoC) ang aabot sa P805,2000 na halaga ng high-grade marijuana o kush matapos ang inspeksyon sa sinasabing paket ng “replacement filter.” Ayon sa ulat ng BOC-Port of Clark, ang nasabing droga ay natagpuan sa loob ng isang pakete mula sa California, USA. Pero matapos ang x-ray… Continue reading Higit P800K halaga ng marijuana, nakumpiska ng BoC