Pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa gitna ng karumaldumal na pagbomba sa MSU-Marawi City Gymnasium, nangibabaw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pagtutulungan mula sa iba’t ibang sektor sa lungsod ng Marawi at buong lalawigan ng Lanao del Sur, nangibabaw sa gitna ng karumaldumal na bomb incident o pagbomba sa gymnasium ng Mindanao State University-Marawi Campus. Kung saan may isinasagawang mesa ng mga kapatirang Kristiyano kaninang umaga.

Nakakaantig ng puso ang nagsulpotang mga inisyatiba mula sa mga indibidwal at grupo ma-pribado o pampublikong sektor. Lahat ay naghahandog ng libreng serbisyo at tulong sa lahat ng nangangailangang apektado ng insidente.

Ilan sa mga residente sa lungsod ng Marawi ang naghandog ng libreng pagkain at delivery para sa mga estudenteng na takot lumabas dahil sa insidente. Ganun din ang MSU-Marawi Cafeteria na nagbukas ng kanilang kainan upang mapagsilbihan ang sinumang nangangailangan ng pagkain.

May iilan ding pribadong indibidwal na siyang nagpapasakay sa ating mga kapatid na non-Muslims pababa ng town at nagbigay pa ng tig iisang libo sa mga estudyante. Iba’t ibang uri ng serbisyo at tulong mula sa mga residente ng komunidad ng MSU, lungsod ng Marawi at buong probinsya ng Lanao del Sur.

Ito’y nagpapakita lamang na sa kabila ng mga nangyayaring masama sa ating lipunan, buhay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan kahit magkakaiba ang kultura at relihiyon dahil iisa lang ang ating lahi bilang Filipino.| ulat ni Alwidad Basher| RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us