Emergency operations center sa Davao Region, isinailalim sa Red Alert status dahil sa magnitude 7.4 na lindol

Itinaas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC XI) sa Red Alert Status ang Emergency Operations Center ng rehiyon kasunod nga Magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur, Sabado ng gabi. Sa inilabas na Memorandum No. 134, series of 2023, layunin nito ay mapalakas at matutukan ang monitoring sa… Continue reading Emergency operations center sa Davao Region, isinailalim sa Red Alert status dahil sa magnitude 7.4 na lindol

3 lungsod, 6 bayan sa Davao del Norte, nagdeklara na ng suspensyon ng klase para suriin ang mga pampublikong imprastruktura at gusali matapos ang lindol sa Surigao del Sur

Nagdeklara na ng suspensyon ng klase ang tatlong lungsod at anim na bayan sa lalawigan ng Davao del Norte bukas, Disyembre 4, 2023 para suriin ang mga gusali at imprastraktura ng mga pampublikong paaralan. Ito’y matapos tumama ang 7.4 sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong gabi ng Disyembre 2, 2023 na yumanig din sa probinsya.… Continue reading 3 lungsod, 6 bayan sa Davao del Norte, nagdeklara na ng suspensyon ng klase para suriin ang mga pampublikong imprastruktura at gusali matapos ang lindol sa Surigao del Sur

VP Sara, ipinag-utos ang pagpapatupad ng blended learning sa lahat ng lugar na apektado ng lindol sa Sugrigao del Sur

Ipinag-utos ngayon ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte na magpatupad ng Blended Learning sa lahat ng Department of Education (DepEd) Regional Offices na apektado ng 7.4 magnitude na lindol sa Surigao del Sur. Sa pahayag na inilabas ng pangalawang pangulo sa kanyang Facebook page, ang nasabing kautusan ay hakban upang masiguro ang… Continue reading VP Sara, ipinag-utos ang pagpapatupad ng blended learning sa lahat ng lugar na apektado ng lindol sa Sugrigao del Sur

Ilang LGU sa Caraga nagsuspinde ng klase at trabaho sa patuloy na naranasang malakas na aftershocks

Suspindido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Butuan City simula bukas, Disyembre 4, at sa lahat ng tanggapan sa gobyerno Lunes ng umaga. Inanunsiyo ito ng pamalahalaang lokal ng Butuan linggo ng gabi, bunsod ng sunod-sunod na mga naramdamang pagyanig ngayong araw. Samantala, ang nga ahensiya ng gobyerno… Continue reading Ilang LGU sa Caraga nagsuspinde ng klase at trabaho sa patuloy na naranasang malakas na aftershocks

Quick Response Team ng LGU Buenavista sa Agusan del Norte Bumiyahi Para Iligtas at Sunduin ang nga Estudyante sa MSU matapos ang bombing incident

Dalawang behikulo lulan ang Quick Response Team ng LGU Buenavista, Agusan del Norte ang bumiyahe para sunduin ang mga estudyante na nag-aaral sa Mindanao State University (MSU) matapos mangyari ang Marawi bombing. Ayun kay Buenavista Mayor Joselito Roble, nakatanggap ito ng impormasyon na sinuspinde ang klase sa MSU at nagkukumahogang nga estudyante na makauwi. Dahil… Continue reading Quick Response Team ng LGU Buenavista sa Agusan del Norte Bumiyahi Para Iligtas at Sunduin ang nga Estudyante sa MSU matapos ang bombing incident

Surigao solon, susubukang maihabol sa bicam ang pampondo sa rehabilitasyon ng mga nasirang istruktura dahil sa lindol

Aminado si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na maraming istruktura sa kanilang probinsya ang nasira matapos tumama ang 6.9 magnitude na lindol sa bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur. Karamihan aniya dito ay mga barung-barong na bahay at covered court. Kasalukuyan din aniya nilang inaalam kung may casualty dahil sa pag-yanig. Susubukan naman… Continue reading Surigao solon, susubukang maihabol sa bicam ang pampondo sa rehabilitasyon ng mga nasirang istruktura dahil sa lindol

MSU-Marawi campus, walang lockdown habang sinisiguro ng mga awtoridad ang kaligtasan ng publiko

Kinumpirma ng Mindanao State University Marawi Campus sa official statement nito na walang lockdown sa nasabing pamantasan matapos ang pagsabog na nangyari nitong umaga ng December 3, 2023 kung saan nagdulot ito ng pagkamatay ng apat na indibidwal, tatlong babae at isang lalaki. Patuloy rin ang mahigpit na koordinasyon ng unibersidad sa mga awtoridad at… Continue reading MSU-Marawi campus, walang lockdown habang sinisiguro ng mga awtoridad ang kaligtasan ng publiko

PASAI, tiniyak na may sapat na suplay ng noche buena items ngayong holiday season

Tiniyak ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc.(PASAI) na may sapat na suplay ng noche buena items para ngayong holiday season. Ayon kay PASAI President Steven Cua, maganda sana habang maaga ay makapamili na ang publiko dahil mura at may diskwento pa ang ilang produkto. Bukod dito makakapili pa ng brand ng produkto at makakasiguro ng… Continue reading PASAI, tiniyak na may sapat na suplay ng noche buena items ngayong holiday season

DND Secretary Teodoro,naghayag ng matinding pagkondena sa naganap na Marawi bombing

Mahigpit na kinondena ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang naganap na pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi City kaninang umaga. Ginawa ito habang isinasagawa ang misa sa Dimaporo Gymnasium na nagresulta ng pagkamatay ng apat katao at pagkasugat ng 50 iba pa. Sinabi ni Teodoro na may utos na si Pangulong Ferdinand R.… Continue reading DND Secretary Teodoro,naghayag ng matinding pagkondena sa naganap na Marawi bombing

Pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa gitna ng karumaldumal na pagbomba sa MSU-Marawi City Gymnasium, nangibabaw

Pagtutulungan mula sa iba’t ibang sektor sa lungsod ng Marawi at buong lalawigan ng Lanao del Sur, nangibabaw sa gitna ng karumaldumal na bomb incident o pagbomba sa gymnasium ng Mindanao State University-Marawi Campus. Kung saan may isinasagawang mesa ng mga kapatirang Kristiyano kaninang umaga. Nakakaantig ng puso ang nagsulpotang mga inisyatiba mula sa mga… Continue reading Pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa gitna ng karumaldumal na pagbomba sa MSU-Marawi City Gymnasium, nangibabaw