Kongreso, tutulong sa mga biktima ng pagsabog sa Mindanao State University

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Speaker Martin Romualdez na susuporta ang Kongreso sa mga pangangailangan ng mga biktima ng pagsabog sa Mindanao State University.

Ayon sa lider ng Kamara, bukas ang pintuan ng Kapulungan sa pagpapaabot ng tulong para sa mabilis na pagbangon at paghilom ng komunidad.

Katunayan agad nakipag-ugnayan ang kaniyang tanggapan at ang Tingong Party-list kina Marawi City Mayor Majul Gandamra, Lanao de Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr., at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong para sa karagdagang humanitarian effort.

Kaisa rin si Romualdez sa pagkondena sa insidente.

Nanawagan din ito ng pagkakaisa upang hindi magamit ang insidente para sirain ang peace process sa Mindanao.

“To those who seek to disrupt the peace and harmony in our society, know that such actions will not be tolerated. We will take all necessary steps to deal with any form of sabotage against the peace and safety of our people decisively… This tragic event, occurring in a place of learning and fellowship, is deeply troubling. We must work together to maintain peace and prevent such incidents from derailing the peace process in Mindanao,” ani Speaker Romualdez.

“We condemn this violent attack and our hearts break for those who lost loved ones as well as those recovering from injuries. Let it be known that Tingog Partylist will always be the first to respond when our people are in need,” sabi naman ni Representative Yedda Romualdez.

Ipinaaabot din ng liderato ng Kamara ang pakikisimpatya sa lahat ng nasugatan at sa pamilya ng mga nasawi dahil sa pagsabog.

Hiling naman ng House Speaker sa lahat na maging mahinahon sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us