Pamahalaan, nagpapatupad ng iba’t ibang hakbang para sa kapakanan ng traffic enforcers at street sweepers sa gitna ng mainit na panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipagugnayan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang kumpanya halimbawa sa Pocari Sweat, upang mabigyan ng tubig at energy drink ang mga traffic enforcer at street sweepers ng tanggapan.

Ito ayon kay MMDA Spokesperson Atty. Melissa Carunungan ay isa lamang sa mga hakbang na ipinatutupad ng kanilang tanggapan, upang matiyak ang kapakanan ng kanilang mga kawani na naka-duty sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na simula April 1 hanggang May 31, may summer heat stroke break at water break ang kanilang mga tauhan sa field.

Mayroon din aniya silang additional na 15 minute break, sakaling pumalo sa 40 degrees celsius o higit pa ang heat index.

Bukod dito, naglunsad rin aniya sila ng programang Batak Trapiko, kung saan higit 100 traffic enforcers ang sumali para sa pagsusulong ng kalusugan at healthy lifestyle ng mga ito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us