Nais ni House Minority Leader Marcelino Libanan na patawan ng pinakamabigat na parusa ang mga taong nasa likod ng pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi kung saan hindi bababa sa apat ang naitalang nasawi.
Aniya, hindi maaaring palampasin lang ang naturang pag-atake.
“This cowardly attack should not go unpunished. No effort should be spared to bring the culprits to swift justice. The full force of the law must be brought to bear on these terrorists who are bent on sowing fear among the public and creating mayhem,” giit ni Libanan.
Ipinaabot naman ng mambabatas ang pakikidalamhati sa mga nasugatan at pamilyang nawalan ng kaanak dahil sa insidente.
Apela pa nito sa mga opisyal at regional police ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na maghigpit sa kanilang counter-terrorism measures upang hindi na maulit pa ang malagim na insidente. | ulat ni Kathleen Jean Forbes