Suplay ng kuryente sa Caraga Region na naapektuhan ng malakas na aftershock, bahagya nang naibalik — NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagya nang naibalik ang power transmission services sa Caraga Region matapos ang magnitude 6.7 earthquake kaninang alas-3:49 ng madaling araw sa Cagwait, Surigao del Sur.

Sa abiso ng NGCP, naapektuhan ng malakas na aftershock ang San Francisco-Tandag 69kV transmission line na nagsisilbi sa ilang bahagi ng Surigao del Sur,

Naganap ang pagyanig sa layong 63 kilometro sa Hilagang Silangan ng Cagwait kaninang madaling araw.

Ayon sa NGCP, alas-5:40 ng umaga nang maibalik ang suplay ng kuryente sa Barobo at Lianga Substations ng Surigao Del Sur Electric Cooperative 2( SURSECO 2).

Nagpapatuloy pa ang line patrol para sa Lianga-Tandag segment.

Gayunman, nananatiling buo ang Mindanao grid dahil walang naiulat na trippings sa transmission line backbone kung saan naramdaman ang lindol. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us