Naglabas na ang ilang kumpanya ng langis para sa mangyayaring taas presyo sa produktong petrolyo bukas.
Simula bukas ng alas-6 ng umaga, Martes, magpapatupad ang kumpanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz at Sea Oil ng dagdag na P0.30 sa kada litro ng gasoline, at P0.20 naman sa kada litro ng kerosene.
Samantala para naman sa gumagamit ng diesel, ay magkakaroon ng roll back na P0.30 sa kada litro nito.
Habang ang kumpanyang Clean Fuel naman ay magpapatupd ng kaparehong halaga bukas ng alas-4:01 ng hapon, at ang Caltex ay mamayang alas-12:01 ng hating gabi.
Inaasahan namang susunod na ang ilang oil companies sa naturang presyo.
Ang oil price increase ang bunsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio