PSWDO Surigao del Sur, tumulak na patungong MSU para sunduin ang kanilang estudyanteng gustong makauwi na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumulak na kaninang umaga ang mga sasakyan ng pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Sur patungong Marawi upang masundo ang mga estudyanteng taga Suriga na nag-aaral sa Mindanao State University (MSU) at gusto nang umuwi.

Pinangunahan ni Provincial Social Welfare Officer Hershe Nuñez ang grupo kung saan mayroon walong sasakyan ang dala nila para masundo ang 179 na estudyante, 110 nito ay mula sa unang distrito at 69 naman sa ikalawang distrito.

Aniya, aabot ng mahigit dalawang araw ang kanilang biyahe at isasailalim sa debriefing ang mga kabataan bago makauwi sa kani-kanilang bahay.

Matinding trauma, ani Nuñez, ang narasan ng mga ito dahil sa nangyaring pamomomba doon sa MSU.

Napag-alaman na mayroon tatlong taga-Surigao del Sur na nagkaroon ng minor injuries dahil sa nasabing insidente.| ulat ni Nerissa Espinosa| RP1 Tandag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us