Patuloy ang paghahatid ng Philippine Red Cross (PRC) ng tulong sa mga biktima at pamilya nito na apektado ng nangyaring pagsabog sa Mindanao State University.
Kaugnay nito ay naglagay ng welfare desk, nagsagawa ng psychosocial support ang PRC sa mga indibidwal na na-trauma sa insidente, at nagbigay din ng first aid sa 300 na mga mag-aaral na nasa loob ng amphitheater nang mangyari ang pagsabog.
Nagbigay ng walong unit ng dugo para sa biktima na sumailalim sa surgery. Tiniyak din ng PRC na nakahanda silang tumulong sakaling mayroon pang mangailangan ng blood donation.
Mayroon din health caravan ang PRC kung saan bumisita ang mga volunteer at staff nito sa mga dorminitory ng nabanggit na paaralan upang asistehan ang mga mag-aaral sa kanilang pagkain at pangangailangan.
Nagpa-abot nman ng pakikiramay si PRC Chairman at CEO Richard Gordon sa mga pamilya ng apat na nasawi sa pagsabog sa Marawi at tiniyak ang tulong para sa mga ito. | via Diane Lear