MRT-3 fare adjustment, wala masyadong magiging epekto sa inflation, ayon sa DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon lang ng minimal effect sa inflation ang panukalang taas-pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa isang pulong balitaan, ipinaliwanag ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino ang panukala na P16 na minimum fare mula sa dating P13, at P34 na pasahe mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station.

Ani Aquino, ang karagdagang kita ay makatutulong upang mabawasan ang P41 na subsidiya ng pamahalaan sa bawat pasahero ng MRT-3.

Kapag naman naaprubahan ang panukalang taas-pasahe sa MRT-3 ay ilalaan aniya ng pamunuan ang kita para sa pagpapabuti pa ng serbisyo ng linya at maintenance ng mga tren.

Huli namang nagtaas ng pasahe ang MRT-3 noong January 2015. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us