Sapat na intervention para maiwasang maging repeat offenders ang PDLs, malaking tulong para sa decongestion ng mga piitan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa pang hakbang para mapaluwag ang mga piitan sa bansa ay ang paglalatag ng mga intervention upang matulungan ang mga person deprived of liberty (PDLs) na hindi na umulit sa pagkakasala.

Punto ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan, maliban sa pagpapabilis sa pagresolba ng mga kaso at proseso ng pagpapalaya sa mga PDL, mahalaga rin na mabigyan sila ng rehabilitation programs gaya ng trabaho at pagkakakitaan upang maging produktibo oras na bumalik sa lipunan.

Batay aniya sa ulat na ibinahagi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) higit sa 20,000 PDL ang reoffenders.

Kaya naman mahalagang mapalakas aniya ang ilan sa mga programa, para tulungan ang mga PDL gaya ng pagbibigay ng tertiary education sa pamamagitan ng kanilang Education Behind Bars (CEBB) program; alternative learning system (ALS) sa mga piitan sa tulong ng Department of Education; at pagbibigay ng training sa employable skills.

Pinuri din ng mambabatas ang paglinang sa mga PDL na may talento sa artworks at handicrafts.

Kasunod ito ng pakikibahagi ng PDL Livelihood Products Exhibit sa OTOP Bazaar sa Kamara.

“The BJMP’s jail decongestion initiatives not only involve speeding up the necessary legal processes to free PDLs eligible for release, but also rehabilitation programs that provide them with job and livelihood opportunities to help them return back to society as productive individuals. Through these initiatives, the BJMP is able to prevent recidivism among the PDLs under its care. By breaking the cycle of reoffending through appropriate rehabilitation programs, the BJMP was able to make significant headway in its jail decongestion efforts,” ani Yamsuan | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us