Nanindigan si Speaker Martin Romualdez na buo ang suporta ng Kamara sa desisyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na muling buksan ang usaping pangkapayapaan.
Ayon sa lider ng Kamara isa itong matapang na hakbang patungo sa ‘reconciliation’ at patotoo sa commitment ng gobyerno para sa pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa na siyang sandigan ng pag-unlad at progreso ng bansa.
“The path to peace is often complex and challenging, but it is a journey worth undertaking for the future of the Philippines. President Marcos’s initiative is a bold move towards healing and unity, reflecting our dedication to resolving longstanding conflicts through dialogue and understanding.”, ani Romualdez.
Ang pahayag ng House Speaker ay kasunod ng panawagan ni Vice President Sara Z. Duterte kay PBBM na irekonsidera ang pagbabalik sa peace talks.
Para naman kay Romualdez, hindi lang isang political move ang naturang negosasyon bagkus isang morale imperative at pagkakataon na mapaghilom ang mga bitak na naghiwalay sa ating bansa.
Wala rin aniya tayong dapat ikatakot dahil matatag ang ating Sandatahang Lakas at matatag ang ating Republika.
“Bakit tayo matatakot makipag-usap kung alam nating malakas ang ating Sandatahang Lakas at matatag ang ating Republika? Ano ang ikababahala natin kung alam natin na nasa pamahalaan ang tiwala ng bayan?…We are not just negotiating terms; we are weaving the fabric of a peaceful future for every Filipino.” Sabi ni Romualdez
Sabi pa ng House Speaker na perfect timing ito lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
“We support 100% our President’s policy with the peace talks and it is also perfect timing, it is Christmas, it is time the for peace. That is what we all want especially during the Christmas season.” Dagdag ng House Speaker.| ulat ni Kathleen Jean Forbes