Localized Peacetalks sa Communist Terrorist Group, mas epektibo sa pagtatamo ng kapayapaan — VP Sara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling iginiit ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pagsuporta sa anumang hakbang upang matamo nang ganap ang kapayapaan sa bansa.

Ito’y matapos umapela si VP Sara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling pag-aralan ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan gayundin ng CPP-NPA, at NDF.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, bilang co-chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), nakita niya kung gaano ka epektibo ang Localized Peacetalks kaya’t naniniwala siyang mas dapat pang palakasin ito.

Muli ring ipinaalala ni VP Sara na walang buting naidudulot ang pakikipag-usap sa mga matataas na lider komunista sa Norway dahil napatunayan nang wala silang sinseridad at ginagamit pa ito para pagtaksilan ang bayan.

Naniniwala ang Pangalawang Pangulo na kaya namang maabot ng pamahalaan ang naisin nitong makamit ang kapayapaan nang hindi yumuyuko sa mga kalaban ng estado. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us