Pangulong Marcos Jr., nagpositibo sa COVID-19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sasailalim sa limang araw na isolation period si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos na magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ito ay bilang pagtalima na din sa ipinatutupad na health protocol.

Sa harap nito ay tiniyak ng Palasyo na nananatiling fit o nasa maayos na kondisyon ang Pangulo para tuloy-tuloy na magampanan ang kanyang tungkulin.

Patuloy, ayon sa PCO, na gagampanan ng Chief Executive ang kanyang trabaho kabilang na ang mga pagpupulong sa pamamagitan ng teleconference.

Sa harap nito’y hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na i-obserba ang kaukulang pag-iingat lalo na ngayong holiday season kasabay ng paalalang mas mabuting may bakuna sa COVID-19 at manatiling nakasuot ng face mask lalo na sa mga matataong lugar.

Magbibigay ng update ang Palasyo hinggil sa kalagayan ng Punong Ehekutibo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us