Tamang paggamit at posibleng dagdag na intel funds sa susunod na budget, titiyakin ng Lanao del Sur solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tututukan ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang dagdag na Intelligence Fund para sa susunod na Budget season.

Kasunod pa rin ito ng nangyaring pambobomba sa Mindanao State University kung saan may apat nang nasawi.

Para sa mambabatas masasabi na nagkaroon ng lapses sa intelligence gathering kaya nangyari ang insidente.

“Confident naman ako na in terms of security, it’s so unfortunate na nangyari nga ano, kumbaga it’s a wake up call again na it took the death of four people to realize na, hoy teka, may problema sa security,” ani Adiong.

Ayon kay Adiong, kailangan ng dagdag na intel fund para mapalakas ang intel gathering lalo na sa mga ganitong pangyayari.

Pansin pa ng mambabatas, na ang probinsiya nila ang madalas nagiging biktima ng mga ganitong insidente ng karahasan.

Kaya oras na talakayin aniya muli ang susunod na budget ay bubusisiin niya kung paano ito nagagamit. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us