Darul Ifta Wad Dawah ng Rehiyon XI, kinondena ang pagpasabog sa MSU Marawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na kinondena ng pamunuan ng Darul Ifta Wad Dawah ng Rehiyon XI ang nangyaring pagpapasabog sa Demaporo Gym, MSU, Marawi, Linggo ng umaga.

Ito ang resulta ng pagpupulong na ginanap sa lungsod ng Davao matapos ang madugong pangyayari.

Pinangunahan ni Shaykh Mohammad Yusop Pasigan, ang Grand Mufti ng Region XI at chairman ng Darul-Ifta Wad-da’wah Davao ang nasabing pagpupulong kasama sina Shaykh Jamal S. Munib, commissioner ng Ulama Sector-NCMF at iba pang opisyal.

Tinawag rin ng mga ito na karumal-dumal ang pangyayari at mahigpit na sinabing walang kinalaman rito ang anumang relihiyon lalong-lalo na ang Islam. Sapagkat ang Islam ay nagtuturo ng kapayapaan at katarungan sa lahat.

Nakiramay naman ang Darul Ifta Davao Region sa lahat ng mga naiwan na mahal sa buhay ng mga biktima ng nasabing karahasan. Kasabay ng panalangin na gawaran ang mga ito ng tibay ng loob, katarungan at kapayapaan para sa lahat.

Samantala, nananawagan naman ang mga ito sa mga kababayan, Muslim man o hindi Muslim, na huwag magpadala sa bugso ng damdamin at magkaisa na isulong ang kapayapaan. | ulat ni Sheila Lisondra| RP1 Davao 📷 Shaykh Adbulrahman Caderao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us