Aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Hinatuan at Cagwait, Surigao del Sur, higit 3,000 na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga aftershock kasunod ng nangyaring Magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong December 2 at Magnitude 6.8 na lindol rin sa bahagi naman ng Cagwait, Surigao del Sur kahapon.

Ayon sa PHIVOLCS, umabot na sa higit 3,000 aftershocks ang naitatala sa magkasunod na pagyanig sa lalawigan.

Higit 2,400 ang naitalang aftershocks sa Hinatuan kung saan 469 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang nasa 29 naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.

Ang mga naitalang pagyanig ay may lakas na mula Magnitude 1.4 hanggang 6.6.

Samantala, nasa higit 500 na rin ang napaulat na aftershocks sa Cagwait, Surigao del Sur kung saan 188 naman ang plotted habang may dalawa na rin ang may kalakasan at naramdaman pa ang pagyanig.

Umabot naman sa Magnitude 1.8 hanggang 5.7 ang magnitude range ng aftershocks na yumanig sa Cagwait.

Una nang inalerto ng PHIVOLCS ang publiko partikular ang mga nakatira sa Mindanao na inaasahan pa nito ang mga pagyanig sa mga susunod na araw dahil sa paggalaw ng Philippine Trench. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us