Nawawalang piper plane sa Isabela, natagpuan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuan na ang nawawalang Piper Plane RPC1234 sa Isabela.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni Joshua Hapinat ng Incident Monitoring Team ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC.

Ayon kay Hapinat, natagpuan ang nawawalang piper plane ng SoKol Helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa bulubunduking bahagi ng Sierra Madre sa Isabela.

Sa hiwalay namang impormasyong ipinabatid ni Philippine Army Spokesperson, Lt.Col. Louie Dima-ala, sinabi nitong hindi pa makababa ang SoKol Helicopter dahil sa malakas na hangin sa lugar.

May mga tropa na rin ‘on foot’ patungo sa pinagbagsakan ng naturang eroplano subalit hindi pa ito nakararating doon sa mga sandaling ito.

Inaasahang maglalabas naman ng buong detalye ang Commander ng Incident Monitoring Team hinggil sa pinakahuling development anumang oras mula ngayon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us