Nilinaw ng MRT-3 management na hindi ito maglalaan ng mas mahabang oras ng operasyon ngayong pumasok na ang Christmas Season.
Ayon kay Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 OIC General Manager Jorjette Aquino, hindi nila mapapahintulutan ang extended revenue hours dahil masasakripisyo rito ang maintenance ng tren.
Punto ni Asec. Aquino, mahalagang sumalang sa maayos na maintenance procedure ang buong linya ng MRT-3 upang masiguro ring hindi ito magkakaaberya sa pagbibigay serbisyo sa mga pasahero.
Samantala, kasunod ng karumal-dumal na pambobomba sa isang unibersidad sa Marawi ay tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na nananatili ang mahigpit na seguridad sa lahat ng istasyon ng tren at handa pang dagdagan ang security measures sakaling kailanganin pa. | ulat ni Merry Ann Bastasa