AFP, ikinalugod ang nakamit na +85% satisfaction rating

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa sambayanan sa patuloy na mataas na pagtitiwala sa militar.

Ang pahayag ay ginawa ni Gen. Brawner matapos na makamit ng AFP ang +85% satisfaction rating sa huling survey ng OCTA research.

Ayon kay Gen. Brawner, isang pribilehiyo sa militar ang pagsilbihan at protektahan ang sambayanang Pilipino at isang malaking karangalan ang pagtitiwalang ipinagkaloob ng mamamayan.

Sinabi ni Brawner na ang mataas na “satisfaction” ng mamamyan sa militar ay pagkilala sa matatag na liderato ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Commander-in-Chief ng AFP.

Ayon kay Gen. Brawner, ang commitment ng Pangulo sa depensa at seguridad ng bansa ang nagsisilbing gabay sa tagumpay ng AFP. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us