Wala pang paggalaw sa presyo ng karne ng baboy at manok sa Mega Q-Mart ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Sa ngayon, nananatili sa P180 ang presyo sa kada kilo ng manok sa pamilihan.
Habang nasa P260 hanggang P300 naman ang presyo sa kada kilo ng laman ng baboy.
Mabibili din sa halagang P150 ang kada kilo ng chicharong bulaklak: habang P95 hanggang P120 naman ang kada kilo ng adidas o paa ng manok.
Ayon sa mga meat vendor, hindi nagbago ang singil sa kanila ng mga supplier pero inaasahan na nila na tataas ang presyo ng karne sa mga susunod na araw lalo’t tatlong linggo na lang bago sumapit ang Pasko. | ulat ni Rey Ferrer