ADB, naglaan ng US$10-B para sa climate finance ng Pilipinas mula sa taong 2024 hanggang 2029

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglaan ang Asian Development Bank (ADB) ng $10 billion para sa climate finance ng Pilipinas mula sa taong 2024 hanggang 2029.

Ayon sa Asian Development Bank (ADB), layon ng pondo na matulungan ang Pilipinas sa commitment nito na climate action sa ilalim ng Paris Agreement.

Ito ang inihayag ni ADB President Masatsugu Asakawa sa ginanap na 2023 Climate Change Conference o COP28 side event ng Department of Finance.

Ayon kay Asakawa, ang US$10 billion ay gagamitin din tungo sa consistent approach para sa paghahanda at pagdisenyo ng mga flagship climate investment.

Nagpasalamat naman si Finance Secretary Benjamin Diokni sa ADB, bilang matatag at reliable na partner ng Pilipinas laban sa climate change.

Katulong din ng bansa ang ADB sa pag-develop ng Nationally Determined Contribution Implementation Plan, na magsisilbing instrumento para sa robust finance ecosystem ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us