Ayaw magpaka-kumpiyansa ang economic team ng administrasyon sa mas maganda pang estado ng inflation rate na naitala noong isang buwan, na bumaba pa sa 4.1 %.
Sa pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na inilabas ng Presidential Communications Office, sinabi nitong patuloy silang magbabantay sa galaw ng inflation sa gitna na din ng nananatiling price pressures na nanggagaling sa iba’t ibang factors.
Kabilang dito ang geopolitical tensions, sa gitna na rin ng patuloy na sitwasyon sa pagitan ng Ukraine at Russia kasama na ang mga nagaganap na extreme weather situations dulot na din ng climate change.
Bukod pa dito ay kasama rin sa pagbabantay at mino-monitor ng pamahalaan ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Ang 4.1 percent inflation rate ng nagdaang buwan ay napag-alamang lowest recorded sa nakalipas na 20 buwan magmula noong March 2022. | ulat ni Alvin Baltazar