Kamara, patuloy na babantayan ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng pagbaba ng inflation rate nitong Nobyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagkaroon ng pagbagal sa inflation nitong buwan ng Nobyembre.

Batay sa PSA report, mula 4.9 percent noong Oktubre ay bumaba na sa 4.1 percent ang inflation rate.

Ayon kay Romualdez, pasok ito sa 4 hanggang 4.8 percent forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kinilala naman ng House leader ang mga hakbang na ipinatupad ng administasyon para maibsan ang epekto ng mataas na bilihin noong mga nakaraang buwan.

Kabilang na dito ang P45 kada kilo na price cap sa bigas, mga imbetigasyon ng Kamara patungkol sa hoarding, smuggling at price manipulation ng agricultural products.

Palalawigin din aniya nila ang Cash Assistance and Rice Distribution o CARD Program, para sa mga mahihirap at vulnerable na Pilipino.

Nangako naman si Romualdez, na patuloy na magbabantay ang Kongreso sa presyo ng mga bilihin upang masiguro na ma-enjoy ng mga Pilipino ang holiday season. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us