Arestado ang Most Wanted Person Provincial Level sa ikinasang joint manhunt operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Laguna.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, acting Provincial Director ng Laguna PPO ang akusado na si alyas Bryan residente ng Calamba City, Laguna.
Dakong ala-una ng hapon nang isagawa ang operasyon sa Brgy. Sala, Cabuyao City, Laguna na nagresulta sa pagka-aresto ng akusado.
Nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 108 ng Cabuyao City, Laguna
Nahaharap si alyas bryan sa kasong Carnapping na may piyansang nirekomenda na nagkakahalagang Php 300,000.00
Ang nasabing akusado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng CIDG Laguna PFU samantalang iimpormahan naman ang pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagka-aresto ng akusado. | ulat ni Jance Macahilas