DOH, inaming may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Department of Health (DOH) Chief Information Officer Undersecretary Eric Tayag na tumaas ang bilang ng COVID-19 cases sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Tayag, mabagal ang naitatalang pagtaas ng mga kaso at sa ngayon ay wala pa naman silang nakikitang overcrowding ng mga ospital.

Tuloy-tuloy pa rin aniya ang monitoring ng DOH sa sitwasyon at sa ngayon ay pinag-aaralan na nila kung ang bagong variants of interest na nireport ng World Health Organization (WHO) ang sanhi ng pagtaas ng mga COVID-19 cases.

Sa ngayon ay hindi pa naman nagrerekomenda ng mga health restrictions ang DOH kaugnay ng pagtaas ng COVID-19 cases.

Gayunpaman, nagpaalala si Tayag na mahalaga ang self-restriction o pagkukusa na kapag may sintomas na ng COVID-19 ay magpa-test na agad at huwag nang pumasok sa trabaho o paaralan.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) ngayong araw, inirekomenda ni Herbosa ang optional na pagsusuot ng face mask para sa mga taong high risk, mga may edad, mga bata, may commorbidity at sa mga lugar na kulob.

Ito lalo na aniya ngayong holiday season kung kailan inaasahan ang kabi-kabilang salu-salo at pagtitipon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us