Gusali ng NAPOLCOM, nakatanggap ng bomb threat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananawagan sa publiko ang Quezon City Police District na makipagtulungan sa concern agencies lalo na sa Philippine National Police pagdating sa seguridad.

Ginawa ni QCPD Director Redrico Maranan ang apela kasunod ng bomb threat na bumulabog sa gusali ng National Police Commission ngayong araw.

Sinabi ni General Maranan, nakatanggap ng mensahe sa email ang kawani ng NAPOLCOM at ipinababatid na may itinanim na pampasabog sa gusali.

Agad namang nagpadala ng mga tauhan ang QCPD Bomb Squad at nagsagawa ng area paneling at security check at kalaunan ay nag negatibo ang resulta.

Nilinaw pa ng QCPD Chief na walang kinalaman sa bomb threat ang isinagawang inspection ng pulisya sa latag ng seguridad sa Araneta Center sa Cubao kaninang hapon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us