OPAPRU Sec. Galvez, ipinagpasalamat ang suporta ng Kamara sa hakbang ng Marcos administration para sa kapayapaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lubos ang pasasalamat ni OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr., sa Kamara sa pagsuporta sa mga proklamasyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. patungkol sa pagbibigay amnestiya sa dating mga miyembro ng iba’t ibang rebeldeng grupo.

Ito’y matapos lumusot na sa House Committee on Justice at Committee on National Defense and Security ang apat na House Concurrent Resolutions 19, 20, 21 at 22 para sa amnesty proclamation ni PBBM sa mga sumusunod na grupo:

– Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade o RPMP-RPA-ABB

– Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF

– Moro Islamic Liberation Front o MILF

– Moro National Liberation Front o MNLF

Umaasa naman si Galvez na mapagtibay ng Kamara at Senado ang naturang mga resolusyon bago mag-break ang Kongreso sa December 16 upang magsilbing pamasko ito sa peace process ng bansa.

Oras na mapagtibay ng dalawang Kapulungan ay saka pa lamang makakagawa ng implementing rules and regulation para sa pagpapatupad ng amnesty.

Tinatayang nasa 9,900 na dating mga rebelde ang makikinabang sa amnestiya na ito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us