Cited in contempt na rin ng House Committee on Legislative Franchises ang isa pa sa anchor ng programang Laban Kasama ang Bayan sa SMNI na si Lorraine Badoy.
Si Manila Rep. Benny Abante ang nag-mosyon na i-contempt si Badoy dahil sa pagtanggi na sagutin ang mga tanong ng mga kongresista, at pagsisinungaling.
Una rito inusisa ni Quezon Rep. David Suarez, ang advertisements ng programang Laban Kasama ang Bayan ngunit hindi makasagot ng diretso si Badoy.
Sabi ng chairman ng komite ni sa Rep. Gus Tambunting, dapat alam ng mga anchor ang kita ng ads ng mga ito at sino ang sponsors.
May mga binanggit naman si Rep. Dan Fernandez na datos, na nagpapakita na nagsisinungaling umano si Badoy.
Pinagsusumite naman komite ang naturang network ng dokumento ng kanilang ads contract, at revenue sharing sa co-producers.
Una nang pina-contempt ng komite si Jeffrey Celizn co-anchor din ng programa dahi lsa paglabag sa Section 11 ng rules ng komite dahil sa pagtanggi na sumagot at disrespectful behavior.
Kapwa mananatili sina Celiz at Badoy na nakadetine sa Batasan Complex hanggang sa maaprubahan sa plenaryo ang committee report patungkol sa isyung iniimbestigahan.| ulat ni Kathleen Jean Forbes