Kontribusyon ng mga sibilyang empleyado ng militar, kinilala ng AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mahalagang papel ng mga sibilyang empleyado ng militar sa pagtatagumpay ng AFP sa kanilang misyon.

Sa kanyang pagdalo sa annual fellowship ng civilian supervisors at employees ng AFP sa Tejeros Hall sa Camp Aguinaldo kahapon, ipinaabot ni Gen. Brawner ang kanyang pasasalamat sa mga ito.

Sinabi ni Brawner na nauunawan niya na isang hamon na mapanatili ang mahuhusay na empleyado sa gobyerno, kasabay ng pag-enganyo sa mga sibilyang empleyado ng militar na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa serbisyo.

Binigyang-diin ng AFP Chief na mahalagang bahagi ng Team AFP ang mga sibilyang empleyado, na kaisa ng mga sundalo sa misyong pagsilbihan ang Sambayanang Pilipino at Diyos.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us