Balik na sa normal ang trabaho sa mga pampubliko at pribadong tanggapan sa Butuan City habang ang klase sa elementarya at sekondarya ay online class o kaya’y modular modality. Depende sa pasya ng management ng paaralan kung sila ay magface-to-face clasess.
Sa pinakauling impormasyon mula sa Butuan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nasa 55 insidente ang natanggap nilang report mula sa iba’t ibang barangay.
Ayon sa CDRRMO patuloy pa ang pagsasagawa ng inspection o infra audit sa mga paaralan, tulay, mall at maging sa mga business establishments na humihiling na ipasiyasat ang kanilang gusali.
Sa kasalukuyan ay nasa 16 na paaralan ang iniulat na may minor damage; isang bahay ang totally damaged habang 15 ang partially damaged, siyam ka tao ang injured at may nangyaring sunog sa isang pribadong ospital na agad namang naapula.
Tiniyak ng CDRRMO na kung sakaling magpapatuloy pa ang paglindol, mayroong mga nakahandang relief goods at inabisohan na rin ang bawat barangay na maghanap ng bakanteng lugar para gawing pansamantalang evacuation area. | ulat ni May Diez | R1 Butuan