Pagpapatrolya at pag-istasyon ng mga navy ship ng bansa sa WPS, iminungkahi ng ilang mambabatas sa AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakokonsidera nina House Special Committee on the West Philippine Sea Chair Neptali Gonzales II at Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan sa Philippine Navy na i-deploy ang kanilang mga barko para magpatrolya at magpbantay sa West Philippine Sea.

Sa pagtalakay ng komite sa mga insidente ng panggigipit ng China sa WPS nausisa ng dalawang mambabatas kung mayroon bang kaibahan sa pagtrato ng Chinese Coast Guard o Navy kapag grey ship na ng Pilipinas ang nagpapatrolya sa naturang karagatan.

Tugon ni Vice Admiral Alberto Carlos, na siyang commander ng Western Command, malimit na nakakaranas ng panghaharas ang white ships ng bansa gaya ng sa coast guard kung ikukumpara sa grey ships.

Madalas aniyang ginagawa lamang ng China sa grey ships ay shadowing o paglalayag malapit dito sa layong 5 to 8 nautical miles.

Isa pa lamang aniya ang insidenteng naitala nang banggain ng isang Chinese navy ang bow ng Philippine navy ship.

Dahil naman dito naniniwala sina Gonzales at Panaligan na mas takot ang China na maging agresibo kung Philippine Navy ship ang gagamitin sa pagpapatrolya sa WPS.

Pagsiguro naman ni Carlos na palagiang naglalayag ang navy ship ng Pilipinas sa WPS para igiit ang ating soberanya at claim sa teritoryo.

Katunayan halos 24/7 na ang pagpapatrolya ng Navy sa WPS ngunit aminado ito na kulang pa rin ang kanilang asset. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us