158 public schools sa QC, nakiisa sa nationwide tree planting activity na proyekto ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng tree planting activity ang Quezon City School Division Office kasama ang iba’t ibang paaralan sa lungsod bilang pakikiisa sa kampanya para pangalagaan ang kalikasan na proyekto ng Department of Education.

Aabot sa 800 puno ang itinanim ng 158 public schools sa lungsod sa ilalim ng “236,000 Trees – A Christmas Gift for Children” ng DepEd.

Pinangunahan ang nationwide tree-planting ng mga tauhan ng DepEd, kasama ang mga guro, faculty members at mga estudyante mula sa Fort Aguinaldo Elementary School, Sta Lucia High School, Apolonio Samson Elementary School, Doña Josefa E Marcos Elementary School at Commonwealth Elementary School.

Ginawa ang hakbang upang maipakita ang pagbibigay prayoridad sa kalikasan na sumasalamin sa ipinangako ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.

Target ng departamento na maisalin sa Green Sanctuaries ang mga school grounds na sumisimbolo ng pagkakaisa laban sa Climate Change at Environmental Degradation para sa pagpapanatili ng magandang kinabukasan. | ulat ni Rey Ferrer

📷: DepEd

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us