Kasalukuyang isinasagawa ang Kadiwa ng Pangulo sa Capitol Grounds sa Barangay Estaka sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Mabibili rito ang sariwang mga prutas, mga panrekado, mga gulay at itlog, kasama na ang sari-saring mga tuyong isda na nagprodukto ng mga magsasaka’t mangingisda sa Dipolog City at ibang bahagi ng Zamboanga del Norte.
Nariyan din ang home-made na mga kakanin, tablea, litsugas, at ready-to-drink calamansi juice.
Tampok din sa KNP ang NFA rice na mabibili lamang sa P25 ang bawat kilo.
Kaugnay nito, inanyayahan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA-9 ang mga residente ng Dipolog City at karatig na mga lugar na samantalahin ang sariwa at mas murang mga produkto na naka-display ngayon sa Kadiwa ng Pangulo.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay
Ang Kadiwa ng Pangulo na inilunsad Department of Agriculture-9 (DA-9) sa Dipolog City ay nagsimula kaninang umaga, at ito’y magtatapos bukas ng hapon, Disyembre 7.