AFP Chief, nanguna sa paglulunsad ng AFP Mental Health Advocacy Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang paglulunsad ng AFP Mental Health Advocacy Program sa V Luna Medical Center (VLMC) ngayong umaga.

Sa kanyang mensahe, inengganyo ni Gen. Brawner ang mga sundalo na mag-ambag sa paglikha ng isang “mentally-resilient” AFP sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang sariling kakayahan at malayang pagtalakay sa kalusugang pangkaisipan.

Sa pamamagitan aniya ng pagtanggap sa mga problemang pangkaisipan,  paghingi ng tulong, at pagpapalaganap ng kaalaman ay mapapatatag ang buong hanay ng Sandatahang Lakas.

Binigyang diin ng AFP ang kahalagahan ng “mental health” sa isang mas malakas at mas mahusay na bansa.

Ang pagbisita ng AFP Chief sa VLMC ay naging pagkakataon din para personal na makumusta niya ang morale ng mga pasyenteng nagpapagaling. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us