Ang Office of the Vice President (OVP) ay naghatid ngayong araw ng relief goods sa Davao Occidental.
Itinurn over ng OVP sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMC)- Davao Occidental ang 900 relief boxes na may laman na non-food items, 285 sacks na food items, 900 eco bags at 900 katsa bags.
Ang items na nabanggit ay ibibigay sa mga pamilya at kumunidad na apektado ng magnitude 6.8 earthquake noong November 17, 2023 kung saan ang sentro ay nasa Sarangani Island, Davao Occidental.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao