Exploratory talks ng pamahalaan at NDFP, walang ceasefire o anomang precondition — OPAPRU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) na walang anomang precondition at ceasefire agreement ang nakapaloob sa Exploratory Talks sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Pahayag ito ni OPAPRU Presidential Assistant Wilben Mayor kasunod pa rin ng joint communikay sa pagitan ng NDFP at ng Philippine government, upang hanapan ng mapayapang resolusyon ang armed conflict.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinunto ng opisyal na bagong peace process ang isinisulong na ito ng gobyerno at ng NDFP at hindi resumption ng anomang nauna nang pag-uusap.

Ibig sabihin, ang mga anti-insurgency operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang pagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan na ginagawa ng Philippine National Police (PNP) ay magpapatuloy lamang, habang gumugulong ang Exploratory Talks.

“Ang pag-uusap na ito’y bago, walang precondition. Hindi natin nire-refer kung ano mang dating pinag-usapan. Bago po ito, hindi po ito tinatawag na resumption talks. Kundi bago. Lahat ng mga detalye, kung ano pang dapat pag-usapan ay sa susunod po na pagkikita po,” paliwanag ni Mayor.  | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us