DMW, naglunsad ng Japan Employment Facilitation Desk sa Tokyo at Osaka

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na inilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Japan Employment Facilitation Desk (Japan Desk) sa Tokyo at Osaka.

Ito ay isang specialized unit na layong mapadali ang deployment ng mga overseas Filipino worker sa Japan na isa sa key labor market ng Pilipinas.

Kabilang sa magiging trabaho ng Japan Desk ay i-monitor ang deployment at return ng mga OFW sa Japan; pagtulong sa pagkumpleto ng mga dokumento at proseso na kailangan ng pamahalaan ng Japan, at magsisilbi rin itong focal unit para agad na matugunan ang mga hinanaing ng mga OFW sa kanilang mga employer at manning agency sa naturang bansa.

Ayon kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, ang pagbuo ng Japan Desk ay patunay sa matatag na labor market partnership ng Pilipinas at Japan.

Ani Cacdac, patuloy na makikipagtulungan ang DMW sa pamahalaan ng Japan upang matiyak ang ligtas at maayos na employment opportunities ng mga OFW sa nasabing bansa.

Pangungunahan naman ni Migrant Workers Undersecretary Patricia Caunan ang pagpapatakbo sa Japan Desk, na maituturing aniyang legacy ni dating Migrant Workers Secretary Susan Ople.

Batay sa datos ng Japan Ministry of Justice hanggang nitong July 2023, mahigit 60,000 mga OFW ang nagtatrabaho sa construction at manufacturing sector sa Japan, pati na rin ang mga care worker at professional categories. | ulat ni Diane Lear

Photos: DMW

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us