Oil slick mula sa lumubog na MT Princess Empress, patuloy na makakaapekto sa baybayin ng Naujan, Pola, Calapan — UP MSI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy pa rin ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa baybayin ng Oriental Mindoro, ayon sa
UP Marine Science Institute.

Batay sa pinakahuli nitong obserbasyon, as of March 28 ay mayroon pa ring mga langis ang lumulutang sa bahagi ng karagatan kung saan lumubog ang oil tanker.

Lumalabas rin sa oil spill trajectories ng UP MSI mula March 25 hanggang April 3 na kakalat pa rin ang oil spill sa mga baybayin ng Pola, Naujan, at Calapan, Oriental Mindoro.

Matatandaang iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na karamihan sa mga oil waste na nakokolekta nito ay mula sa mga nabanggit na munisipalidad.

Katunayan, aabot na sa higit 70,000 litro ng oil contaminated materials ang nakokolekta ng DENR sa mga apektadong munisipalidad sa Oriental Mindoro. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us