Inaahasang magbubunga ng paglago ang P5.5 bilyong halaga na joint venture ng Subic Bay Metropolitan Authority at Harbour Centre Port Terminal Inc. o HCPTI.
Ayon kay SBMA Chairperson and Administrator Jonathan Tan, ang 10-year Subic Port joint venture ang muling magpapasigla ng ports, yards at cargo handling sa loob ng freeport.
Kabilang din sa joint venture ang development, operation at management ng ilang port sa loob ng dating US naval base.
Layon din ng partnership ang makalikha ng mas maraming trabaho at oportunidad sa lugar, pagpapalakas ng turismo, at paglawak ng trading business sa Subic.
Kumpiyansa naman si HCPTI Chairperson Regis Romero II na kaya ng ekonomiya ng Pilipinas na tumayo sa gitna ng nararanasan ngayong “global uncertainty”.
Mahalaga lang aniya ang kalakalan sa ating mga karatig bansa at maka-engganyo ng mga foreign capital and technologies upang magtuloy-tuloy ang economic expansion na siyang pangunahing layunin ng joint venture. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes