Sen. Mark Villar, inaasahang mapapasigla ng ‘Internet Transactions Act’ ang e-commerce industry ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri at pinasalamatan ni Senador Mark Villar si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagpirma nito bilang isang ganap na batas, ang ‘Internet Transactions Act’ nitong Disyembre 5.

Ayon sa Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chair, ngayong ganap nang batas ang ‘Internet Transactions Act (ITA) ay inaasahang mas sisigla ang e-commerce industry ng Pilipinas.

Inaasahan kasing sa tulong ng batas ay maco-convert sa mga positibong aktibidad ang mga lugi mula sa scam at fraud activities dahil kapwa mahihikayat ang mga konsyumer at mga negosyante sa paggamit ng digital transactions.

Sinabi ni Villar na sa pamamagitan ng ITA ay matitigil na ang gawain ng mga scammer dahil mare-regulate na ng ITA ang online transactions.

Dagdag pa ni Villar, bukod sa pagbibigay ng seguridad ay mabibigyan rin ng pagkakataon ang mga Pilipino na ma-maximize ang benepisyo ng digital economy tulad ng pagkakaroon ng dagdag na mapagkakakitaan.

Kabilang sa mga itinatakda ng ITA ang iba’t ibang consumer protection measures gaya ng pananagutan ng online merchants, mas pinagandang dispute resolution mechanism, at paglilinis ng product information online.

Kasabay nito ay protektado rin ang mga online merchant gaya ng probisyon sa trustmark o seal of excellence badge, code of conduct para sa mga negosyo at pagpapalakas ng kapangyarihan ng Department of Trade and Industry (DTI) na alisin ang mga online listing na maaring makapanloko sa mga konsyumer. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us