Panukala para mapababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, pinagtibay ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa huling pagbasa ang panukala na nilalayong magtatag ng isang Tripartite Council upang matugunan ang problema sa unemployment, underemployment at job-skills mismatch sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 7370, ang Tripartite Council ay kabibilangan ng mga kinatawan mula sa gobyerno, academe, at industry sector na siyang magbabantay sa employment, unemployment, underemployment, at job-skills mismatch.

Paliwanag ni House Speaker Martin Romualdez, isa sa mga dahilan ng unemployment sa bansa ay dahil sa marami sa bagong pasok ng labor force ang walang sapat na kasanayan na hinahanap ng mga employer.

“Part of our unemployment problem is due to the fact that many of the new members of our labor force do not possess the competency employers are looking for. Their education and job requirements do not match. This is one of the problems we would like to address in approving the bill,” ani Romualdez.

Kaya naman oras na maisabatas ito ay matutulungan ang mga naghahanap ng trabaho at mga bagong graduate na i-match ang kanilang kasanayan at kaalaman sa mga available na trabaho.

Kasama rin sa mandato ng konseho ang bumuo ng mga kinakailangang polisiya at programa upang matugunan ang mga kinakaharap na isyu ng labor force, pagbibigay ng estado ng employment ng mga nagtapos ng kolehiyo, at mapapasukang trabaho ng mga bagong graduate sa nakalipas na limang taon.

Gayundin ay gumawa ng pag-aaral upang matiyak na natutugunan ang kinakailangang empleyado ng mga industriya sa bansa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us