Lokal na pamahalaan ng Las Piñas, inilunsad ang “Love Las Piñas Christmas”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil ilang linggo na lamang ay Pasko na, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang “Love Las Piñas Christmas” sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa lungsod.

Dinaluhan ng anak ni Mayor Nene Aguilar na si Alelee Aguilar-Andanar, dalawang anak ni Dra. Aivee Aguilar-Teo, City Councilors, at City Department officials ang pagpapasinaya sa Christmas lighting bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa lungsod.

Ayon kay Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na layon ng naturang Love Las Piñas Christmas Celebration ay upang mas maipakita na kaisa ang lungsod sa pagdaraos ng pasko ng may pagkakaisa magmamahalan sa bawat isa.

Nanawagan naman ang alkalde sa bawat mamayan ng Las Piñas na magkaroon na pagkakakaisa at pagmamahalan sa kapanganakan ni Hesukristro. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us